The escalator
May isang lugar sa megamall na palagi kong binabalik balikan, yun yung escalator malapit sa supermarket area, malapit sa jollibee at katapat ng dunkin’ donut.
Dun ko kasi naranasan ang isa sa mga pinakamasakit na katotohanan, na hinde talaga kami pwede maging …. uhhh uhmm mag-on, maging BF/GF.
It happened last December 7, 2009. asa office ako, inaantay ko matapos magpractice mga kaofficemate ko ng kanilang sayaw for the christmas party. Tapos naalala ko na kailangan ko pala magcanvass ng battery para sa digital camera ko (na hinde din na nagamit ng matagal sayang 2k ko, nasira kasi yung digi cam eh -_-)
Pumunta ako sa Greenhills (malapit lang kasi sa office, kayang lakarin), tapos nag-galleria then lakad hanggang Megamall through ADB avenue at St Francis Square. Nakatingin naman ako sa megamall, tapos ng pauwi na ako nagdecide ako dumaan sa supermarket para tumingin ng pang kris kringle. paglabas ng supermarket, pauwi na sana ako kaya lang bumalik ulit ako para bumili ng fruit salad na binebenta sa supermarket.
Sa mga nakakakilala sa akin, palagi ako nakaheadphone. Lalo na after work, pag pauwi na. ayun music hanggang pag-uwi na yun. Eitherway, papunta na ako sa entrance ng mall, ng biglang tumugtog sa cellphone ko (sa cellphone ko ako nakikinig ng music) ang How to save a life, hinde ko namalayan parang bumagal ang oras and then nakita ko yung ex-nililigawan ko, kaholding hands ang bestfriend ko sa office ngayon. hinde ko namalayan na pumatak na pala luha ko, tapos ayun naiiyak na ako.
bibilisan ko na sana lakad ko pero tumingin ako sa likod, ayun HHWW pa din sila. natempt akong sundan sila pero nde kaya ng loob ko, nagdedebate isip ko kung ano gagawin. ng tumingin ulit ako sa kanila, napansin nung girl na nakita niya ata ako (paano ba naman neon green suot ko, pansinin talaga maski hinde mo makita kung sino nagsusuot), kinalabit niya kaibigan ko. ako sinundan ko sila pagdating sa side ng surplus shop, magkabilang side ng escalator, nagkatinginan kami nung kaibigan ko. mga 5 seconds din yun, tumakbo ako papalayo, na umiiyak.